Wednesday, October 23, 2013

Nangungulila

“I’m missing you,” eh kung may top 2 sa mga dialogues ng mga magka relation eh ito na nga yun. Kahit nga dun sa mga halos 24/7 na nag magkasama, ito parin sinasabi nila. Lalo naman kaya dun sa mga hindi pinagpalang magka sama. Hindi naman masama ma miss ang isang tao o bagay. Hindi rin masamang maging rason to kung bakit hindi pa sya makalimutan. Eh kung nuknukan naman ng gandang tao yun. Tapos saksakan ng bait. Bukod pa dun, sobrang nag set na kayo ng mga mangyayari sa hinaharap. Maging yung mga simpleng pagkakataon na magkasama kayo sa nakaraan. Aminin na natin, hindi na sa kasalukuyan.
Sa halos dalawang taong relation, siguro isang buwan lang kaming nagkita. Hindi nangangahulugang hindi na kami tulad ng ibang normal na relation. Nag aaway din kami, nag lalambingan, tawanan, kulitan, tampuhan, iyakan. Tulad mo, tulad nya, nasabi ko na nang halos araw araw ang mga salitang “I miss you” sabay sabi ng ‘ingat’. Ang lakas maka paracetamol. Kaya lang minsan, dadating sa puntong, kasama nalang sya sa sentence. Yung pagsabi ng mga salitang to, hindi na galling sa puso. Galing nalang sa kung saan; pwedeng sa isip, sa bibig o sa napanuod na teleserye. Naalala ko isang pagkakataon, gumawa ako ng video para sa kanya noong valentine’s day. Sa dulo ng video, may nilagay akong “And I miss you soooooooooo much”. Aaminin kong nung nilagay ko yun, hindi galling sa puso ko nung mga panahong yun. Saying naman kasi ang time, may mailgay man lang na sweet. Ngayon, tuwing pinapanuod ko yung video na yun, mas naiintindihan ko na yung meaning nitong mga salitang to. Hindi lang sya naging top 2 sa mga dialogues ng mga taong in a relationship dahil madalas sinasabi. Pero dahil yung kahulugan nito ay may pag nanais kang makita at makasama yung taong yun. Ito yung mga katagang, dahil hindi mo magawang palaging nanjan para sakanya physically, naghahanggad ka na at least ito maramdaman nyang gusto ko syang makasama. Hindi lang gusto, gustong gusto…
Minsan ba nasabi mo na to pero hindi naman nanggaling sa puso mo? Ngayon na wala na, nanghihinayang ka. Ngayon kasi kahit anong sigaw mo---paulit-ulitin mo man sabihin, hindi na nya maririnig. Marinig man nya, mukang wala na yung epekto di tulad ng dati. Ngayon tuloy, namimiss mo yung mga panahong kapag sinasabi mo to sa kanya, makakarinig ka ng response na “I miss you too” o di kaya naman “I miss you more”. Kagaya nga ng sinabi ko, este sinulat ko, hindi masamang mamiss sya. Eh kung sya parin naman talaga eh. Kaya lang nga, wala nang sasagot sayo. O pwede mo rin naman sabihin sa sarili mong ‘nangungulila ako’ tapos sagutin mo rin sarili mo. Sa susunod, kapag sasabihin mo na kasi to, I mean, natin to, yung galing sa puso na. Hindi lang lip service. Nakakamiss kaya nang may kamiss.

Close, Open, Closure..

Naniniwala akong ang ibig sabihin ng MU ay magulong usapan. Sa mga inlove, Masaya yun, pero sa mga na inlove, mejo ouch to. Mejo tagos sa laman. Magulo kasi yung usapan nung last time. Paano ba nagiging magulo? Nagiging magulo lang naman kung yung isa hindi sumasagot. Ang communication is a two-way-process. Listening and speaking. Pag nakikinig dapat may response. Kapag walang reponse, nagkakaroon ng kaguluhan kung malinaw at klaro ba yung napagusapan. Mas mabuti nga sinabing ‘hindi ko gets’ kesa sa ‘……. …… …..’(nga nga).
Actually, yung paghihiwalay namin eh sa chat lang. Ang masaklap pa dun eh as in chat sa fb, hindi man lang sa skype para makita man lang ang reaksyon na isa’t isa. Akala ko sa una, mas madaling makalimutan yung pakikipag break sa chat lang or text. Na realize ko, kapag nag mahal ka pala talaga ng tunay mas mahirap to kesa sa personal. Wala kasing chance na ma explain yung side nung isa. Unfair. Sino man sa dalawa; ako o siya. So yun nga, parang hindi malinaw ang lahat. Totoo na ba to o babalik pa? imbis na alamin ko yung sagot, dahil nga natatakot akong baka totoo na nga to, lumayo ako. Nag punta sa ibang lugar at nagpakasaya, mejo nag isip na rin naman. Nung huli kaming nag kausap, ang akala ko maiintindihan nya kung bakit ko piniling lumayo. Para narin malalaman ko yung sagot sa tanong ko kung totoo na ba o babalik. Pag balik ko, nag iba. Feeling ko wala paring closure eh open na syang i-close. Bigla nalang syang lumayo, I mean literally, malayo naman talaga sya. This time, malayo talaga. Malayo ang loob. Siguro sa mga ibang tao na makakabasa at nagbabasa nitong entry ko, ito yung dahilan kung bakit nga hindi mo sya makalimutan.  Binibigay ng panahon o sitwasyon sa paligid mo na may hindi pa nga natapos na paguusap. Masakit kung ikaw yung nilalayuan. Ayaw kang kausapin sa hindi mo malamang rason. Minsan napapa isip ka ng isang buong araw, ‘bakit ba?’. Madalas nga extended pa nang kakaisip hanggang bukas eh. Mahirap kung ikaw yung lumalayo. Minsan kasi hindi natin alam, ba’t nga ba tayo lumalayo? Dahil ba nasaktan tayo at gusto nating gantihan yung tao? Dahil ba sa tingin natin hindi pa tayo handa na harapin sya dahil nga may mga nagawang pagkakamali? O ang masakit, dahil ba tuluyan na’ng nawala kung ano mang pagmamahal ang naramdaman mo para sa kanya. Haaaaaaay. Napa buntong hininga ako. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam kung alin sa tatlo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi parin malinaw kung maghihintay pa ako o hindi na. Yun yung pinaka nakakainis dun eh. Yung hindi mo alam kung san ka lulugar. Bago kasi mangyari ang lahat, mukang ok pa naman, pero kinailangan mo lang ng oras para mag isip sandali pag balik mo parang hindi ka na kilala. Parang wala nang pinagsamahan. Bago ako umalis, naalala kong sinabi nyang maghintay lang ako sa kanya. Bigyan ko sya ng panahon. Pero tama bang, basta! Haha. Ngayon, kung ikaw yung nilalayuan, karapatan mong malaman kung tapos na nga ba talaga. Kung ikaw naman yung umiiwas, may karapatan syang malaman. Para malaman mo, wala kang karapatan i-torture yung tao dahil kung may isa sa pinaka malungkot sa mundo, yun eh yung hindi mo malaman kong close na, open pa o closure na nga talaga.

So ano pa nga bang pwedeng maging rason kung bakit hindi mo pa makalimutan? Pwede namang miss mo pa sya. Pwede ba yun?

Mali nya, Mali ko.

Bago kami maghiwalay, madaming mali. Hindi maling magkalayo (FYI: LDR po kami). Pero ang mali ay kung pano ginamit ang bawat oras nung kami pa. Dahil nga magkalayo, akala nung isa ok lang na hindi pumunta sa tamang oras. Ako naman akala ko, dapat palaging akin lang ang oras nya. Mali na paghintayin ako nang matagal. Mali na isumbat kong naghintay ako nang matagal. I mean, nakakagalit naman talagang maghintay nang matagal. Pero hindi na kelangan ipagdiinan sa tao na yon na matagal sya. Lalo lang tatagal ang usapan. Hanggang sa tinagal ng usapan, wala na talagang napag usapan. Napakahalaga kasi ng oras sa relasyon. Syempre, dun mo mapapakita na mahalaga at mahal mo talaga sya.

Mali nyang ang ikwento nalang eh kung anong nangyari sa maghapon nya. Yung tipong pati yung mga ayaw mo naman marinig, ikkwento pa nya. Hindi naman ako talaan para isambulat nya lahat lahat ng concerns nya. Yung mga nakaaway nya nung araw na yun. Yung inis nya sa tatay nya, minsan sa kaibigan nya. Yung mga kayabangan nya sa katawan. Pero ang pinaka mali dun yung hindi ko man lang binigyan ng importansya yung bawat sinabi nya. Na sa likod ng pagkkwento at pagyayabang nya, para sa akin naman eh walang ka kwenta kwenta, may kahulugan pala yun. May pinagdadaanan pala syang mabigat. Ang mali pa talaga dito eh, hindi ko tinanggap yung mga kahinaan nya na yun. Bawat kwento pala nya eh kahinaan nya. Bawat pagyayabang pala niya ay kahihiyan nya pagkatapos naming magusap. Tintago lang pala nya yung other side nya. Ayaw lang pala nya na may nakakakita ng kung ano mang kahinaan meron sya. Iniisip nya siguro na nakaka turn off para sa kapartner ko kapag nakita nya na may ganitong akong issue sa sarili. Mali nyang maging mapride pero mali ko nating magka prejudice.

 Minsan ganun tayo eh. Dahil sa sobrang romantiko, ang gusto lang natin ay yung feeling na kinikilig. Hindi sa lahat ng oras ay kilig at romance. Tao sya, tao ka na nabubuhay. Maraming issues sa sarili. Maraming kelangang tanggapin tungkol sa isa’t isa. Mahal mo sya kung tatanggapin mo yung mali nya o yung mali mo, o mas maganda nalang, mali nyong dalawa. Mas mabuting next time, itama na natin tong mga mali, kasi mali eh.

Mabalik tayo sa tanong, bakit nga ba pinapaalala? Siguro kasi hindi malinaw bago matapos. Kailangan ng closure.

TalaDrama

“ok na ako,”
Ito nalang ang palagi kong nasasabi ‘pag may nagtatanong sakin kung kamusta na ako pagkapatapos matapos ang tinapos na relasyon. Hello??? Muka ba akong ok na? kung sa mga close kong mga tao eh alam na alam nilang ako, an ok , I mean unokay ha.

Nandun parin yung pagpatak na pagpatak ng umaga, syempre, imumulat palang ang mga mata, eh isasara ulit. Kasi naman, nakakapgod din naman kaya maalala ulit yung mga pagkakataong magkasama kayo, diba? Pero anong nga bang magagawa natin jan? eh kahit naman anong pikit ulit ng mga mata ko eh, patay naman ako sa mga professor ko dahil may nagbigay na sakin ng singko. Tinamana..

Anim na buwan at 6 na araw. Eksaktong araw na nakalipas mula ng makipag hiwalay ako. Nga pala, October ngayon ha, so bale, April nangyari ang lahat. Tama ba namang ang background music habang ginagawa ko to eh yung kanta ni Mariah Carey na I can’t live? Lakas maka FB status eh noh (listening to -) Naisip ko lang, pwede rin namang I can’t leave eh, kasi nga madrama man eh, I really can’t leave the memories. Anyway, bago pa maging isang drama queen ang talang to, eh magpatuloy na tayo. Mabuti nalang nasira ang track, tumatalon talon. Mabuti naman at nakisama. Pero bigla namang My All ang next song. So, lakas lang makaasar? Anyway, ito na talaga. Kung katulad ko na hindi ka rin na ‘I can’t leave, este live’ ang drama sa mga panahon na to, eh pag patuloy mo lang pag babasa. Sabay sabay tayong magpaka emo, hindi naman totally emo pero tuklasin yung mga mali nila. Oo mga mali nila! Hahaha. Pero mas tuklasin natin yung mga naging mali natin habang nandun sa relasyon. Sabay sabay din nating iwanan na kung ano man ang mga dapat iwan, kalimutan, talikuran. Sabi nga sa isang quotation eh, ‘In life, we should know what bridge to cross and what to burn’. Maka English lang naman ng onti. Magamit man lang ang major ko. Pero kahit ano pa mang major mo. Kahit gano ka man katalino o kabobo, hindi ba’t pinaka mahirap yung makalimot? Halimbawa na lang sa mga matatalino, hindi ba, ang hirap makalimutan yung mga pinag aralan mo lalo na’t ikaw yung naging source ng mga sagot nung exam nyo? Sa kabilang dako naman, sa mga bobo, hindi ba’t ang hirap kalimutan yung mga maling nakagawian mo nung nagaaral ka pa? Parang ganito rin to. Naalala ko, mahal ang tawagan namin, ang hirap kalimutan yun ha. Biruin mo, nagbabasa ako ng libro, tapos yung ate ko nanunuod ng programa sa TV. Bigla nalang nagsalita yung babaeng bida, tinawag nya yung asawa nya. Tinawag nya nang “Mahal”. Ako naman, biglang napalingon. Akala ko ako yung tinawag eh nga pala, babae yung nag salita. Mukang ewan pero hindi ba nangyayari talaga yun? May isa pang pagkakataon na yung kaklase ko, natawag ko yung pangalan nung ex ko sa halip na pangalan nya talaga. Oh diba instant binyag sa mga tao. Nakakatawa man pero, nag dadaan talaga, kasi nga hindi mo makalimutan. Hindi mo ba talaga makalimutan o tatanggapin mo sa sarili mo na ‘ayaw mo kalimutan’? Magkaiba naman kasi yun diba? Although parehas silang tungkol sa pag limot, eh yung ‘hindi ko makalimutan’ ang ibig sabihin nun kahit na anong gawin mo, san ka man magpunta, may nagpapa alala sayo dun sa tao. Halimbawa ulit, nasa bus kami ng nanay ko. Nanunuod kami ng movie ni FPJ (classic na classic ang drama diba) ang pangalan nya dun Policarpio. Hindi ko pinansin hanggang sa pagkatapos ng isang buong araw, habang pauwi na kami ng nanay ko, nag aayos ng kalye or daluyan ata ng tubig yung Manila Waters. Ewan ko pero saktong pag dungaw ko sa labas ng jeepney eh may nakalagay na Engr. Policarpio sa isang parang board ng Manila Waters. Natawa ako. Pag kauwi namin, pagod na pagod na ako kaya nahiga ako ng mga ilang oras. Bago pa tuluyan akong mawalan ng diwa eh naalala kong nakalimutan ko mag toothbrush. Dahil hygienic kuno, tumayo ako na sakto namang oras ng pakikinig ng radio ng nanay at kuya ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsisipilyo ng biglang may batiin tong DJ na to. Naman! Policarpio ulit ang pangalan! This time, nainis na ako. Simpleng halimbawa pero ito yung hindi mo makalimutan kasi binibigay ng pagkakataon. Nangyari na ba sayo to? O may hawig ba to sa nangyayari sayo? Kainis no? Ngayon, mapunta naman tayo sa ayaw kalimutan. Ito naman, may mga bagay na pinag saluhan nyo dati, lugar na pinuntahan, tv shows na prehas pinanuod, materyal na binigay sayo pero mas pinipili mo paring balikan, gamitin at tingnan. Yung mga bagay na pwede mo naman na itapon pero ginagamit mo parin. Yung mga lugar na pwede mo naman iwasan pero pinupuntahan mo parin. In the end, masasaktan lang naman. Kung baga nga eh, naghahanap ka lang ng sakit ng katawan. NGUNIT, hindi mo maintindihan pero may kakaibang kasiyahan nung ginamit mo, pinuntahan mo, kinain mo yung mga bagay na ‘dati’y’ sa inyo. Sa kaunting sandali eh, na satisfy yung pag kamiss mo dun sa tao. Na kahit wala na sya sa tabi mo habang nandun ka, gamit mo yun o kinakain mo yung paborito nyong siomai, eh sumaya ka dahil itong mga to, hindi nagbago. Nanjan lang. Kainis ka no? Sabi  nga nila, hindi titigil ang mundo kahit na broken hearted ka. Totoo naman eh. Yung daan na yun ba mapupunta sa kabilang kanto dahil lang wala na kayo? O yung pagkain na yun ma phaphase out na dahil hindi na sya ang kasama mong kumain? Ngayon, ipagkumpara natin tong dalawa. Dun sa hindi mo makalimutan, wala kang choice kasi nga binibigay ng pagkakataon. Hindi mo hinhingi pero biglang dadating. Pero yung ayaw mong kalimutan, may choice. Pwedeng wag na balikan o pwede rin namang balikan pa. Dun sa una, mapapaisip ka kung anong ibig sabihin bakit pinapaalala sayo. Dun sa pangalawa, nararamdaman mong gusto mo gawin, hindi na kelnagan pag isipan pa. Dun sa una, matatawa ka sa una kasi ‘pagkakataon nga naman oh’. Tapos biglang maiinis ka na kasi paulit ulit nalang. Maiinis ka kasi teka, ang sakit pa. Dun sa pangalawa, masasayahan ka kasi ito kayo ‘dati’. Ewan ko ba pero bumabalik yung nakaraan, parang sine lang na nagrerewind. Sa huli nga lang eh masasaktan ka kasi, kahit anong punta mo o kahit anong scene ng sine pa yung nakikita mo, nag cut na si direct. Nag pack up na kayo.


Aaminin mo bang isa sa dalawa yung nararanasan mo? O baka naman yung dalawa ang nararanasan mo? Kung relate na relate ka ditto, sandali, tingnan muna natin. Sa tingin mo, bakit binibigay ng pagkakataon kaya hindi ka makalimot? Hindi kaya ipinapaalala sayo na wag mo syang kalimutan? Pero bakit nga pinapaalala? Siguro, siguro lang ha, bago matapos ang lahat, madami syang nagawang mali o baliktarin natin. Madami kang nagawang mali?