Bago kami maghiwalay, madaming mali. Hindi maling magkalayo
(FYI: LDR po kami). Pero ang mali ay kung pano ginamit ang bawat oras nung kami
pa. Dahil nga magkalayo, akala nung isa ok lang na hindi pumunta sa tamang
oras. Ako naman akala ko, dapat palaging akin lang ang oras nya. Mali na
paghintayin ako nang matagal. Mali na isumbat kong naghintay ako nang matagal.
I mean, nakakagalit naman talagang maghintay nang matagal. Pero hindi na
kelangan ipagdiinan sa tao na yon na matagal sya. Lalo lang tatagal ang usapan.
Hanggang sa tinagal ng usapan, wala na talagang napag usapan. Napakahalaga kasi
ng oras sa relasyon. Syempre, dun mo mapapakita na mahalaga at mahal mo talaga
sya.
Mali nyang ang ikwento nalang eh kung anong nangyari sa
maghapon nya. Yung tipong pati yung mga ayaw mo naman marinig, ikkwento pa nya.
Hindi naman ako talaan para isambulat nya lahat lahat ng concerns nya. Yung mga
nakaaway nya nung araw na yun. Yung inis nya sa tatay nya, minsan sa kaibigan
nya. Yung mga kayabangan nya sa katawan. Pero ang pinaka mali dun yung hindi ko
man lang binigyan ng importansya yung bawat sinabi nya. Na sa likod ng
pagkkwento at pagyayabang nya, para sa akin naman eh walang ka kwenta kwenta,
may kahulugan pala yun. May pinagdadaanan pala syang mabigat. Ang mali pa
talaga dito eh, hindi ko tinanggap yung mga kahinaan nya na yun. Bawat kwento
pala nya eh kahinaan nya. Bawat pagyayabang pala niya ay kahihiyan nya
pagkatapos naming magusap. Tintago lang pala nya yung other side nya. Ayaw lang
pala nya na may nakakakita ng kung ano mang kahinaan meron sya. Iniisip nya
siguro na nakaka turn off para sa kapartner ko kapag nakita nya na may ganitong
akong issue sa sarili. Mali nyang maging mapride pero mali ko nating magka
prejudice.
Minsan ganun tayo eh.
Dahil sa sobrang romantiko, ang gusto lang natin ay yung feeling na kinikilig. Hindi
sa lahat ng oras ay kilig at romance. Tao sya, tao ka na nabubuhay. Maraming
issues sa sarili. Maraming kelangang tanggapin tungkol sa isa’t isa. Mahal mo
sya kung tatanggapin mo yung mali nya o yung mali mo, o mas maganda nalang,
mali nyong dalawa. Mas mabuting next time, itama na natin tong mga mali, kasi
mali eh.
Mabalik tayo sa tanong, bakit nga ba pinapaalala? Siguro kasi
hindi malinaw bago matapos. Kailangan ng closure.




No comments:
Post a Comment