Wednesday, October 23, 2013

TalaDrama

“ok na ako,”
Ito nalang ang palagi kong nasasabi ‘pag may nagtatanong sakin kung kamusta na ako pagkapatapos matapos ang tinapos na relasyon. Hello??? Muka ba akong ok na? kung sa mga close kong mga tao eh alam na alam nilang ako, an ok , I mean unokay ha.

Nandun parin yung pagpatak na pagpatak ng umaga, syempre, imumulat palang ang mga mata, eh isasara ulit. Kasi naman, nakakapgod din naman kaya maalala ulit yung mga pagkakataong magkasama kayo, diba? Pero anong nga bang magagawa natin jan? eh kahit naman anong pikit ulit ng mga mata ko eh, patay naman ako sa mga professor ko dahil may nagbigay na sakin ng singko. Tinamana..

Anim na buwan at 6 na araw. Eksaktong araw na nakalipas mula ng makipag hiwalay ako. Nga pala, October ngayon ha, so bale, April nangyari ang lahat. Tama ba namang ang background music habang ginagawa ko to eh yung kanta ni Mariah Carey na I can’t live? Lakas maka FB status eh noh (listening to -) Naisip ko lang, pwede rin namang I can’t leave eh, kasi nga madrama man eh, I really can’t leave the memories. Anyway, bago pa maging isang drama queen ang talang to, eh magpatuloy na tayo. Mabuti nalang nasira ang track, tumatalon talon. Mabuti naman at nakisama. Pero bigla namang My All ang next song. So, lakas lang makaasar? Anyway, ito na talaga. Kung katulad ko na hindi ka rin na ‘I can’t leave, este live’ ang drama sa mga panahon na to, eh pag patuloy mo lang pag babasa. Sabay sabay tayong magpaka emo, hindi naman totally emo pero tuklasin yung mga mali nila. Oo mga mali nila! Hahaha. Pero mas tuklasin natin yung mga naging mali natin habang nandun sa relasyon. Sabay sabay din nating iwanan na kung ano man ang mga dapat iwan, kalimutan, talikuran. Sabi nga sa isang quotation eh, ‘In life, we should know what bridge to cross and what to burn’. Maka English lang naman ng onti. Magamit man lang ang major ko. Pero kahit ano pa mang major mo. Kahit gano ka man katalino o kabobo, hindi ba’t pinaka mahirap yung makalimot? Halimbawa na lang sa mga matatalino, hindi ba, ang hirap makalimutan yung mga pinag aralan mo lalo na’t ikaw yung naging source ng mga sagot nung exam nyo? Sa kabilang dako naman, sa mga bobo, hindi ba’t ang hirap kalimutan yung mga maling nakagawian mo nung nagaaral ka pa? Parang ganito rin to. Naalala ko, mahal ang tawagan namin, ang hirap kalimutan yun ha. Biruin mo, nagbabasa ako ng libro, tapos yung ate ko nanunuod ng programa sa TV. Bigla nalang nagsalita yung babaeng bida, tinawag nya yung asawa nya. Tinawag nya nang “Mahal”. Ako naman, biglang napalingon. Akala ko ako yung tinawag eh nga pala, babae yung nag salita. Mukang ewan pero hindi ba nangyayari talaga yun? May isa pang pagkakataon na yung kaklase ko, natawag ko yung pangalan nung ex ko sa halip na pangalan nya talaga. Oh diba instant binyag sa mga tao. Nakakatawa man pero, nag dadaan talaga, kasi nga hindi mo makalimutan. Hindi mo ba talaga makalimutan o tatanggapin mo sa sarili mo na ‘ayaw mo kalimutan’? Magkaiba naman kasi yun diba? Although parehas silang tungkol sa pag limot, eh yung ‘hindi ko makalimutan’ ang ibig sabihin nun kahit na anong gawin mo, san ka man magpunta, may nagpapa alala sayo dun sa tao. Halimbawa ulit, nasa bus kami ng nanay ko. Nanunuod kami ng movie ni FPJ (classic na classic ang drama diba) ang pangalan nya dun Policarpio. Hindi ko pinansin hanggang sa pagkatapos ng isang buong araw, habang pauwi na kami ng nanay ko, nag aayos ng kalye or daluyan ata ng tubig yung Manila Waters. Ewan ko pero saktong pag dungaw ko sa labas ng jeepney eh may nakalagay na Engr. Policarpio sa isang parang board ng Manila Waters. Natawa ako. Pag kauwi namin, pagod na pagod na ako kaya nahiga ako ng mga ilang oras. Bago pa tuluyan akong mawalan ng diwa eh naalala kong nakalimutan ko mag toothbrush. Dahil hygienic kuno, tumayo ako na sakto namang oras ng pakikinig ng radio ng nanay at kuya ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsisipilyo ng biglang may batiin tong DJ na to. Naman! Policarpio ulit ang pangalan! This time, nainis na ako. Simpleng halimbawa pero ito yung hindi mo makalimutan kasi binibigay ng pagkakataon. Nangyari na ba sayo to? O may hawig ba to sa nangyayari sayo? Kainis no? Ngayon, mapunta naman tayo sa ayaw kalimutan. Ito naman, may mga bagay na pinag saluhan nyo dati, lugar na pinuntahan, tv shows na prehas pinanuod, materyal na binigay sayo pero mas pinipili mo paring balikan, gamitin at tingnan. Yung mga bagay na pwede mo naman na itapon pero ginagamit mo parin. Yung mga lugar na pwede mo naman iwasan pero pinupuntahan mo parin. In the end, masasaktan lang naman. Kung baga nga eh, naghahanap ka lang ng sakit ng katawan. NGUNIT, hindi mo maintindihan pero may kakaibang kasiyahan nung ginamit mo, pinuntahan mo, kinain mo yung mga bagay na ‘dati’y’ sa inyo. Sa kaunting sandali eh, na satisfy yung pag kamiss mo dun sa tao. Na kahit wala na sya sa tabi mo habang nandun ka, gamit mo yun o kinakain mo yung paborito nyong siomai, eh sumaya ka dahil itong mga to, hindi nagbago. Nanjan lang. Kainis ka no? Sabi  nga nila, hindi titigil ang mundo kahit na broken hearted ka. Totoo naman eh. Yung daan na yun ba mapupunta sa kabilang kanto dahil lang wala na kayo? O yung pagkain na yun ma phaphase out na dahil hindi na sya ang kasama mong kumain? Ngayon, ipagkumpara natin tong dalawa. Dun sa hindi mo makalimutan, wala kang choice kasi nga binibigay ng pagkakataon. Hindi mo hinhingi pero biglang dadating. Pero yung ayaw mong kalimutan, may choice. Pwedeng wag na balikan o pwede rin namang balikan pa. Dun sa una, mapapaisip ka kung anong ibig sabihin bakit pinapaalala sayo. Dun sa pangalawa, nararamdaman mong gusto mo gawin, hindi na kelnagan pag isipan pa. Dun sa una, matatawa ka sa una kasi ‘pagkakataon nga naman oh’. Tapos biglang maiinis ka na kasi paulit ulit nalang. Maiinis ka kasi teka, ang sakit pa. Dun sa pangalawa, masasayahan ka kasi ito kayo ‘dati’. Ewan ko ba pero bumabalik yung nakaraan, parang sine lang na nagrerewind. Sa huli nga lang eh masasaktan ka kasi, kahit anong punta mo o kahit anong scene ng sine pa yung nakikita mo, nag cut na si direct. Nag pack up na kayo.


Aaminin mo bang isa sa dalawa yung nararanasan mo? O baka naman yung dalawa ang nararanasan mo? Kung relate na relate ka ditto, sandali, tingnan muna natin. Sa tingin mo, bakit binibigay ng pagkakataon kaya hindi ka makalimot? Hindi kaya ipinapaalala sayo na wag mo syang kalimutan? Pero bakit nga pinapaalala? Siguro, siguro lang ha, bago matapos ang lahat, madami syang nagawang mali o baliktarin natin. Madami kang nagawang mali? 

No comments:

Post a Comment