“I’m missing you,” eh kung may top 2 sa mga dialogues ng mga
magka relation eh ito na nga yun. Kahit nga dun sa mga halos 24/7 na nag
magkasama, ito parin sinasabi nila. Lalo naman kaya dun sa mga hindi
pinagpalang magka sama. Hindi naman masama ma miss ang isang tao o bagay. Hindi
rin masamang maging rason to kung bakit hindi pa sya makalimutan. Eh kung
nuknukan naman ng gandang tao yun. Tapos saksakan ng bait. Bukod pa dun,
sobrang nag set na kayo ng mga mangyayari sa hinaharap. Maging yung mga
simpleng pagkakataon na magkasama kayo sa nakaraan. Aminin na natin, hindi na
sa kasalukuyan.
Sa halos dalawang taong relation, siguro isang buwan lang
kaming nagkita. Hindi nangangahulugang hindi na kami tulad ng ibang normal na
relation. Nag aaway din kami, nag lalambingan, tawanan, kulitan, tampuhan,
iyakan. Tulad mo, tulad nya, nasabi ko na nang halos araw araw ang mga salitang
“I miss you” sabay sabi ng ‘ingat’. Ang lakas maka paracetamol. Kaya lang
minsan, dadating sa puntong, kasama nalang sya sa sentence. Yung pagsabi ng mga
salitang to, hindi na galling sa puso. Galing nalang sa kung saan; pwedeng sa
isip, sa bibig o sa napanuod na teleserye. Naalala ko isang pagkakataon, gumawa
ako ng video para sa kanya noong valentine’s day. Sa dulo ng video, may nilagay
akong “And I miss you soooooooooo much”. Aaminin kong nung nilagay ko yun,
hindi galling sa puso ko nung mga panahong yun. Saying naman kasi ang time, may
mailgay man lang na sweet. Ngayon, tuwing pinapanuod ko yung video na yun, mas
naiintindihan ko na yung meaning nitong mga salitang to. Hindi lang sya naging
top 2 sa mga dialogues ng mga taong in a relationship dahil madalas sinasabi.
Pero dahil yung kahulugan nito ay may pag nanais kang makita at makasama yung
taong yun. Ito yung mga katagang, dahil hindi mo magawang palaging nanjan para
sakanya physically, naghahanggad ka na at least ito maramdaman nyang gusto ko
syang makasama. Hindi lang gusto, gustong gusto…
Minsan ba nasabi mo na to pero hindi naman nanggaling sa puso
mo? Ngayon na wala na, nanghihinayang ka. Ngayon kasi kahit anong sigaw
mo---paulit-ulitin mo man sabihin, hindi na nya maririnig. Marinig man nya,
mukang wala na yung epekto di tulad ng dati. Ngayon tuloy, namimiss mo yung mga
panahong kapag sinasabi mo to sa kanya, makakarinig ka ng response na “I miss
you too” o di kaya naman “I miss you more”. Kagaya nga ng sinabi ko, este sinulat
ko, hindi masamang mamiss sya. Eh kung sya parin naman talaga eh. Kaya lang
nga, wala nang sasagot sayo. O pwede mo rin naman sabihin sa sarili mong
‘nangungulila ako’ tapos sagutin mo rin sarili mo. Sa susunod, kapag sasabihin
mo na kasi to, I mean, natin to, yung galing sa puso na. Hindi lang lip
service. Nakakamiss kaya nang may kamiss.




No comments:
Post a Comment