Wednesday, October 23, 2013

Close, Open, Closure..

Naniniwala akong ang ibig sabihin ng MU ay magulong usapan. Sa mga inlove, Masaya yun, pero sa mga na inlove, mejo ouch to. Mejo tagos sa laman. Magulo kasi yung usapan nung last time. Paano ba nagiging magulo? Nagiging magulo lang naman kung yung isa hindi sumasagot. Ang communication is a two-way-process. Listening and speaking. Pag nakikinig dapat may response. Kapag walang reponse, nagkakaroon ng kaguluhan kung malinaw at klaro ba yung napagusapan. Mas mabuti nga sinabing ‘hindi ko gets’ kesa sa ‘……. …… …..’(nga nga).
Actually, yung paghihiwalay namin eh sa chat lang. Ang masaklap pa dun eh as in chat sa fb, hindi man lang sa skype para makita man lang ang reaksyon na isa’t isa. Akala ko sa una, mas madaling makalimutan yung pakikipag break sa chat lang or text. Na realize ko, kapag nag mahal ka pala talaga ng tunay mas mahirap to kesa sa personal. Wala kasing chance na ma explain yung side nung isa. Unfair. Sino man sa dalawa; ako o siya. So yun nga, parang hindi malinaw ang lahat. Totoo na ba to o babalik pa? imbis na alamin ko yung sagot, dahil nga natatakot akong baka totoo na nga to, lumayo ako. Nag punta sa ibang lugar at nagpakasaya, mejo nag isip na rin naman. Nung huli kaming nag kausap, ang akala ko maiintindihan nya kung bakit ko piniling lumayo. Para narin malalaman ko yung sagot sa tanong ko kung totoo na ba o babalik. Pag balik ko, nag iba. Feeling ko wala paring closure eh open na syang i-close. Bigla nalang syang lumayo, I mean literally, malayo naman talaga sya. This time, malayo talaga. Malayo ang loob. Siguro sa mga ibang tao na makakabasa at nagbabasa nitong entry ko, ito yung dahilan kung bakit nga hindi mo sya makalimutan.  Binibigay ng panahon o sitwasyon sa paligid mo na may hindi pa nga natapos na paguusap. Masakit kung ikaw yung nilalayuan. Ayaw kang kausapin sa hindi mo malamang rason. Minsan napapa isip ka ng isang buong araw, ‘bakit ba?’. Madalas nga extended pa nang kakaisip hanggang bukas eh. Mahirap kung ikaw yung lumalayo. Minsan kasi hindi natin alam, ba’t nga ba tayo lumalayo? Dahil ba nasaktan tayo at gusto nating gantihan yung tao? Dahil ba sa tingin natin hindi pa tayo handa na harapin sya dahil nga may mga nagawang pagkakamali? O ang masakit, dahil ba tuluyan na’ng nawala kung ano mang pagmamahal ang naramdaman mo para sa kanya. Haaaaaaay. Napa buntong hininga ako. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam kung alin sa tatlo ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, hindi parin malinaw kung maghihintay pa ako o hindi na. Yun yung pinaka nakakainis dun eh. Yung hindi mo alam kung san ka lulugar. Bago kasi mangyari ang lahat, mukang ok pa naman, pero kinailangan mo lang ng oras para mag isip sandali pag balik mo parang hindi ka na kilala. Parang wala nang pinagsamahan. Bago ako umalis, naalala kong sinabi nyang maghintay lang ako sa kanya. Bigyan ko sya ng panahon. Pero tama bang, basta! Haha. Ngayon, kung ikaw yung nilalayuan, karapatan mong malaman kung tapos na nga ba talaga. Kung ikaw naman yung umiiwas, may karapatan syang malaman. Para malaman mo, wala kang karapatan i-torture yung tao dahil kung may isa sa pinaka malungkot sa mundo, yun eh yung hindi mo malaman kong close na, open pa o closure na nga talaga.

So ano pa nga bang pwedeng maging rason kung bakit hindi mo pa makalimutan? Pwede namang miss mo pa sya. Pwede ba yun?

No comments:

Post a Comment